burger
burger
burger

Lagim Sa Dilim

- Advertisement -
- Advertisement -

Read an English version of this short story here.

Munting kabalighuan na sadyang di mawalay ang pag-usbong ng queer rave sa Manila sa mismong panunupil nito. Sa maikling kwento ni Justiz K. Laude ukol sa isang gabing gimikan, masusubaybayan ang mga hangarin, salungatan, at pang-aaping hinaharap ng komunidad na ito sa Pilipinas.

Minsan, nakakapagod din ang umasta ayon sa lipunang pilit magpakatino. Sinisigurado ko nalang sa sarili kong huwag bumigay. Lumayo sa kawalang-tuos na pag-iingay bago pa magkagulo ang lahat. Dahilan sa angkin kong disiplina. Diretso ang pag-iisip ko sa bawat anyayahan at ni isa naman ang nakakapansin o nagkukuwestiyon. Pero itong mga pasaway na kabataan ng Révolte—wari’y nanunukso pang patibagin ang aking pagkahinahon. Malala pa diyan ang kasiglahan nila rito.

CADET: Ayoko na tumuloy.

MADAME X: Dios me. At paano naman ‘yang susuotin mo na ilang linggo mo nang itinatahi? Huwag niyo ‘tong papatulan, nagpapabebe na naman.

CADET: Puta madre, ang harsh!

MADAME X: Teh. Kami na ang mabait dito—prangka’t payak. Ang pagiging taklesa, tough love ‘to, na katiting pa lang kumpara sa totoong buhay. Baklang ‘to, party mo?

CADET: Tse. ‘Yang mukap mo, tough!

Iyan ang tinatawag na read. Isang parte ng drag culture o siguro sa kahit na anumang pagkakaibigan ng mga bakla. Marahil sa Pilipinas lang ganito, pero mula parlor hanggang comedy bar, ang ganitong pagbubunganga ay talagang umaalingawngaw.

Nakaupo kami sa magulong sala ni Madame X, ang punong ina ng lapastangang Révolte—isang party na taglay ng kasumpa-sumpang Maynila tuwing paglubog ng araw, isang kanlungan ng magkapwang tumataliwas, barumbado’t lintik.

Nasanay akong makita siya bilang babae, ngunit tila nasa kalagitnaan ngayon si Madame X, pinapahiran ng makapal na makeup ang mga maskuladong linya ng kanyang mukha. Katabi niya si Raoul—ang kanyang kanang-kamay at co-promoter—na lubog naman sa bleach ang buhok. Marami na silang napagdaanan simula pa noong maglayas si Raoul noong bata pa at nanirahan kay Madame X. Sa gawang paghambalos sa kalamyaan nya, kaya umalis si Raoul mula sa pamilyang Chinese-Christian. Ngayon, nakakabalik na siya sa mas mapag-intindi kung ‘di naman mas matiising pamamahay, at unti-unting inaayos ang relasyon sa sariling ina. Ang totoo diyan, kung nagkabaliktad man ang sitwasyon, hindi na sana mabubuhay ang Révolte.

“Mabuti nang tumiwalag kaysa makulong sa sarili,” sabi pa niya sa akin n’on. At sa paikot-ikot na paghihiganti ng karma, si Raoul ang siyang naging huwaran ng mga kauring baklang suwail na napadpad sa Révolte; yung mga tumatanggi makisama sa karamihan, tuluyan nang itinakwil ang katotohanan—nang sa wakas makilala ang tanging pagkakaisa sa mahalay na pagliliwaliw nitong ‘di mawaring komunidad.

Isa pang kadalasan sa mga bakla yung hilig nila tumambay na naka-hubo. Lalo na ‘pag nagbababa-babaihan. Ngunit tuwing kasama ako, parang nahihiya pa sila kaysa sa akin; nagsisilabasan ang mga tapis at makikipot na balabal. Minsan naman, imbis na mailang, nang makita silang lantad, walang balakid sa paglambing, tila gumiginhawa rin ang pakiramdam. O baka naman sira lang uli yung aircon. Basta ako, walang balak ihubad ang damit.

RAOUL: Eh ina-aning mo nga kasi. Kinakabahan lang ‘yan si Cadet dahil first time niya pumalo mamaya.

Inirapan ni Madame X si Raoul bago mabruskong pulbuhan ang mukha.

MADAME X: Anong first time? Diba n’ong nakaraang linggo, pasinghot-singhot ka ng eme sa nota ni—

CADET: Indoors kasi ‘yon! Saka kaunti lang naman. Ngayon ko pa lang titirahin nang buo… o kalahati… basta, yung in public ba! ‘Di ako sanay.

MADAME X: ‘Wag ka mag-alala, aalagaan ka ni Cap. And you know what they say, bongga mag-walwal ‘pag kasama ang pamilya.

Tumango siya sa akin. Nginitian ko nalang.

Iyong ibang mga kasaping bata—at i-emphasize ko lang na mga murang edad talaga sila—may kanya-kanyang pinagkakaabalahan: si Cadet, ang pinakabata sa kanila, ginugula-gulanit ang pagkadalisay ng kanyang maong at kinakabitan ng tanikala ang kanyang jacket; si Joel, ang tinatawag na “premiere ladyboy DJ” ng Maynila, suot-suot ang headphones, pinupulido ang set list para mamaya; sina Jackie Ho at Kris Khendie Kyuti, minsang magkasintahan, madalas alagad ng sining, kalong-kalong ang laptop habang nagre-render ang inilikhang visual animation.

Karaniwan na sa grupo ang mga palayaw at alyas. Kahit ako na bagong sala, nabansagan na ng sarili kong nom de guerre, marka ng pakikisama.

MADAME X: O Captain! My Captain! Handa ka na ba?

Ngumiti nalang ako muli, kinapa ang nakasabit kong bag sa dibdib at binuksan ang bulsa nito.

MADAME X: Ay, look what the ket drugged in! Meow. Alam mo ang pinakamahalaga kong natutunan kay James St. James? Before going to a party, siguraduhing gamot ay laging bago.

Sa mga ganitong kasabihan ko naaalala na mga beterano na ang mga ‘to. At hindi pagkakamali ang makalusot sa pinakamatalik nilang pangkat—iyong inaasahang pabuya ay mas hihigit pa sa pagkasira ng bait ko. Ang nakakatawa pa diyan, sila-silang mga suki sa club, kadalasan ay kinatatakutan ng ibang mga normie tulad ko. Medyo intimidating nga naman talaga lalo na ‘pag nagkumpulan na sila. Subalit magiliw man sila sa mga madalas dumalo sa party, nakasanayan na rin nilang maging mapili at mahilig mang-out-of-place. Gayunpaman, heto ako, kapiling nila. Kapag nasa iyo ang ninanais nila, tila nalulusaw ang mga hadlang. Bigla akong nakaamoy ng sindi.

RAOUL: Solid. Paki-tabi ako ng isa para kay Nini. Hindi kasi siya makakapunta dito ngayon.

CADET: Nasaan na naman ba yung bruhang ‘yon?

RAOUL: May klase ‘ata kaninang umaga. Pagkatapos, may SOGIE march siya sa hapon.

MADAME X: Ang taray. Alam mo na pala schedule niya?

RAOUL: Ha? Bakit ba? Alam ko kasi lahat ng schedule ng artists.

Hitsurang nakiliti si Raoul.

CADET: Eh tayo, ba’t ‘di sasali sa protest?

RAOUL: Sus, alam mo naman kung gaano katagal mag-ayos ‘tong si Madame.

CADET: Sino pa ba pupunta ng auction?

MADAME X: Lahat ng oligarkids.

Nagtawanan silang lahat.

MADAME X: O, tawa kayo diyan. Sila ang bumubuhay sa atin dito, ‘no? Saan kaya tayo pupulutin kung mawala ang magigiting nating oppressors?

JACKIE: Excited na ako sa vernissage. Salamat nga pala sa pag-imbita.

KRIS: True! Ito na ‘ata ang pinaka-shady, pinaka-inspired idea ni Madame.

CADET: Anek? Art show lang naman ah.

JACKIE: Girl, art show for a party for a cause ‘to.

KRIS: Champion cigarette. Sana naman magustuhan nila ‘tong pagshi-shitpost natin in real life.

MADAME X: Kailan ba hindi? Sino bang aayaw sa mamahaling paalala ng ating walang katapusang pakikipagsapalaran? Para saan pa ba ang art?

RAOUL: Salamat din sa inyo, siyempre. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa natin ‘to. Lalo na ngayong taon! Tama lang na may magandang kalabasan ‘tong mga bisyo natin.

JACKIE: Yeah, imagine magdo-donate ka upang suportahan ang mga aktibista pati yung mga orgs na siya rin binabastos at binabale-wala ng kumpanya mo. Para lang maka-party.

KRIS: Tumpak. Pero mababalik ba sa mga Lumad ang lupang ninakaw?

JACKIE: Marangal na ang lumaban, lalo na’t wala naman tayong troll farm tulad nila. Deadma, tuloy pa rin ang himagsikan.

KRIS: Meron iilan namang mga kakampi. Kumpara mo na sa atin, ang ilustradong congressman—kahit gaano pa ka-cringe—tiyak na mas mabigat ang ambag.

JACKIE: Panigurado sa kani-kanilang bank account.

KRIS: Saan na ba umabot ang pag-a-art natin, aber? Bagong Lacaba ba ang kailangan ng henerasyon na ‘to?

CADET: Makakabawi naman sa eleksyon, ‘di ba? Bibigay rin ‘yan.

MADAME X: Walang humawak ng palayok na hindi naulingan ang kamay.CADET: Paano na kung walang pupunta mamaya—‘di ba ikahihiya rin nila ‘yon?

MADAME X: Wala nang iba pang mas kanais-nais sa isang elitistang wannabe insider maliban sa hindi maimbintahan sa mga ganap. Kung gusto nila mabilang sa mga durugista, misfit, at patapon, siyempre pera muna ng mga burgis nilang magulang.

Tinanggal ni Joel ang kanyang headphones.

JOEL: True lagi! Eh ba’t naman patuloy silang ‘di nagbabayad ng DJ o kahit sinumang ka-“collaborate” nila?

CADET: Hala, galit na.

JACKIE: Totoo naman. Kami nga ni Kris ‘di pa rin bayad doon sa prod design sa outdoor festival kineso. Offline daw mga bangko. Talaga, tatlong buwan na, manay?

KRIS: ‘Di ba sila rin may-ari nung bangko?

JACKIE: Hindi, babe. Yung bank tower lang ‘yon.

MADAME X: Isama mo na diyan pati cell tower at dyaryo.

KRIS: Oo, marami nga kaming ginawang libre d’on sa dating Révolte. Pero ginagawa lang naman namin ‘yon para sa mga bakla, hindi para sa mga haciendero.

JOEL: Nakaka-miss naman ‘yon. Japorms lahat. Ngayon, pilit ng “chic.

KRIS: Playtime lang noon, ‘no? Parang experimental gray zone… gay zone?

JACKIE: Simula nung napasara ni Rona ang club at nagsasarili na tayo, mas masaya ako.

JOEL: Nako, wala pa kaya akong kinikita sa pag-DJ.

KRIS: Baka kailangan mo lang i-booking ‘yang otoko mo.

JOEL: ‘Atay, don’t me. Hindi lahat umuunlad tulad niyong dalawa.

JACKIE: O, ‘di ka ba nag-DJ para sa fundraiser hypestream?

JOEL: Pinang-Goto Monster ko na.

KRIS: Saka, pa’no kami umuunlad? Malupit din ang art world. Tignan mo nga kami; we’re still living in the ghetto. Ra-ta-ta-ta.

CADET: Pa-humble pa kayo. ‘Wag niyo kaming kakalimutan ‘pag sumikat na kayo, ah?

JACKIE: Ay, hindi talaga mabubura sa isip namin ‘yang basura mong ugali, Cads.

RAOUL: Oo, ‘wag ka ring tumulad sa mama mo, ang tunay na showbiz snob.

Napahalakhak si Madame X.

JOEL: ‘Di sapat ang pagiging burgis ko para maging petty.

MADAME X: Success doesn’t have to change your personality. That’s greed.

JOEL: Ay, alam ko ‘yang track na ‘yan…

KRIS: Eh kung ‘di naman dahil sa padrino ni Raoul, ‘di rin talaga kami makakapag-exhibit.

JOEL: In fairness, kung tutuusin, parang nakatulong nga sa atin lahat ang Révolte.

JACKIE: Exactly. Kahit nga si Cadet big time ang booking bilang pokpok sa mga in-house.

CADET: Sorry not sorry. Booking is booking.

KRIS: If you got it, raket.

CADET: Walang sinungaling, salamat sa pag-i-intro, Raoul.

RAOUL: Oo naman. Walang anuman. Kaya sigurado major major ’tong gabi.

MADAME X: Major major networking, true?

CADET: So, sino-sino nga pupunta?

RAOUL: Lahat nga. Ang pinaka-conyotic sa lahat ng conyo. Ang mga bukod tanging may anda makapunta sa isang illegal rave.

JACKIE: Lifestyles of the—

KRIS: Spoiled rotten.

JOEL: Sa bagay, sila lang naman ang may kaya maging “art enthusiasts.”

MADAME X: Aminin, don’t we all aspire to be them?

RAOUL: O, ba’t ka naman naka-tingin sa akin?

JACKIE: Too real. There’s an impostor among us.

KRIS: ‘Wala naman tayong no choice. Hindi natapos dito ang pyudalismo.

JACKIE: Nini, isdatchu?

RAOUL: Ang aga-aga, politika pa rin. We’re already trying our best to bridge the gap.

JOEL: Ayan, nagsalita na ang ating lider.

MADAME X: More like Alyas Robin Hood. Pinakikibahagi ang ill-gotten wealth.

JOEL: Mabuhay ang Filipinx! Hashtag support local.

JACKIE: Sa presyong sweldo ng paborito mong yaya, pwedeng-pwede ka nang palamutihan ng pinakabonggang trapo couture at magmukhang fresh out of Payatas.

JOEL: But make it “empowerment”.

MADAME X: Loka-loka! ‘Pag ganun ka na kayaman, nothing looks as progressive as dressing pobre feels.

KRIS: Pak! Radical inclusion. Ganyan sila para ipaalam sa atin kung gaano silang mas swerte.

JACKIE: O kaya, mga pilit na mag bayad-pinsala.

JOEL: Huh? What’s that?

JACKIE: Reparations, dear!

JOEL: Ah, akala ko naman reparations na yung mga libreng pasinghot nila.

KRIS: Designer handbags with the designer—

JACKIE: Taste!

KRIS: Ows? Nagsalita ang Kashieca queen.

RAOUL: Maiba lang, in fairness sa diversity ng guest list natin mamayang gabi.

JOEL: Bale… mga pa-woke na pilit maging allies?

CADET: Ba’t ba ayaw niyo sa mga kaibigan natin? ’Di ba pwedeng enjoy lang?

RAOUL: Wala akong inaayawan. Tulad ng sabi mo, mga kaibigan natin ‘to. Ang pagmamahal at respeto naman ‘di kailangan maging ignorante sa katotohanan.

JACKIE: Relaks, baks. GV lang, walang plastikan.

KRIS: Eh, kaya nga naman tayo puma-party diba? Iyon ang common ground natin.

RAOUL: Tama. Lahat naman tayo pare-parehas ang kinakalaban. ‘Di ba ‘no, Captain?

Siyempre, nakibitaw ako, “Oust Duterte.” Parang sirang plaka. Kahit mga bukambibig na wala namang laman, sapat na sa lubos na nangangailangan ng aruga. Sa kanilang bruskong pangongontra sa mga poon, madalas nalilimutan ng mga nasa ilalim na ang pag-alinsunod sa madla’t pagtanggap sa nakasanayan ay mahusay din na pakana ng siyang naniniil.

MADAME X: ‘Ika nga ni tito Gosha, ang kabataan lang ang nakakaintindi ng mundo. Tayo ang pinagmumulan ng makabagong tugtugin, kultura, at politika. Or something like that.

CADET: Wow, ikaw teh, kabataan?

MADAME X: Hoy, Cadet! Manahimik ka diyan. Handa ka na ba? Tapos na ako mag-bake.

Tumungo si Cadet sa kanyang tabi. Gamit ang praktisadong kamay, dahan-dahangnabuhay ang bisagra ni Madame X. Nabalot sa katahimikan ang silid nang mag-umpisa ang ritwal ng pagbabagong-anyo. 

Club culture… ‘yan na ang pinaka-kabog na pagpapanggap. Pang-uuto. Sabihin na nating, pamemeke.

Federasyon ng mga wagas sa pagpanggap, nagkukunwaring hindi nagsasawa sa tugtuging wala namang pinagbago. Panggap na nakikipagkilala sa bawat isa, panggap na nagpapakabait kung sa harap-harapan. Panggap na masinsinan ang lahat, mabuti, mainam, normal. Nang hindi mapansin ang mga inililihim. Duwag aminin kung bakit sila nagpapadala.

Mga pangungusap na pinag-eensayo, mga sayaw na inuulit-ulit. Walang tigil na pagsusuri ng pang-uugali. Mga kaganapang sosyal na nagkukunwaring hindi matapobre.

‘Pag ‘di ka sabog, magkukunwari ka naman, akalang ganun mapapabilang. Ang mga sabog nga, tinatago pa. Parang kung umamin man sila, baka mabawasan ang pag-kinang.

Wala namang pumpuntang night club na desididong sa pag-uwi nila’y virgin pa rin na matatag sa sariling prinsipyo’t kabutihan.

Kabaliktaran ‘to ng drag na kinikilalang may dangal ang lapastangan. Ipinagdiriwang ang hindi natural, ang mababaw. Kinakalas ang ideyal.

Dahil dito, nagiging pa itong mas tunay. Ang pumiglas para muling mailikha ang sarili—para makamit ang pagkakaiba.

Ipinagpapalit ang pagkabahala ng ordinaryo sa hibang ng pambihira. Ang hindi mawari, nagiging makatotoo. Bigyang bagong kahulugan ang kasarinlan; muling kamtan ang angking tanglaw.

Itapon na ang nakasanayang bansag. Italaga ang sarili mong hangganan. Kilalanin ang iyong pakay. Pansinin ang iyong halaga. Maniwala sa iyong mga hangarin. Yapusin ang iyong mga kinakatakutan. Piliin ang nagpapasaya sa’yo. At pahalagahan ang mu.

Hayaan mong umalingawngaw ang iyong pang-uuto, nang mabingi ang mga bumabalakid. Ligwakin ang kawasto-wasto. Iwanan ang pagka-mainam. Pabayaan na ang madaling tanggapin at kilalanin ang mabigat na katotohanan.

Ang mga tunay na manloloko ay yung mga buong loob na naniniwala sa kanilang angking dangal—sapat na hindi makipagsapalaran bagaman buo ang paniniwala na pagmamay-ari nila ang mga bunga nito.

Sa pagsuot naman ng pelukang nahigpitan nang maigi, kusang walang lugar para sa kahihiyan—para sa pilit na pagsang-ayon. Hindi na mahalaga kung nakabuhol ang iyong pag-iisip sa batas nila… Jusko, sana naman ‘di magkabuhol-buhol ‘tong buhok ko hanggang mamaya.

Lahat naman kaya maging Megastar, ‘wag lang hayaang mawala ang kinang kahit na ‘di nagtatagal. Kahit ilang pahid pa ng Glo, naiiwan pa rin ang gasgas sa kumikinang na pilak. Hayaang mapansin ang sariling pagkukulang. Kuminang lang nang patuloy. May matatagpuang kagandahan sa kalaswaan. Ang halaga ay mahahanap sa likod ng maskara.

Forget waiting until you make it. Faking it is making it.

Isang panghuling paghaplos at binuka na rin ni Madame X ang kanyang mga mata.

CADET: Love it. Pero seryoso ba, kailangan nakadraga ka sa lahat ng ganap? Ikaw na lang ‘ata gumagawa niyan eh.

JACKIE: Ganda ka? Tingin mo ba hindi pagco-crossdress ‘yang look mo?

MADAME X: Sabihin na nating commitment. Kung sa ganito, wala nang pagpapanggap.

Pinasalamatan si Cadet at kusang inihanda ni Madame X ang huling detalye: makunat, baldado’t itim na pilikmata. Nag-flying kiss pa sa salamin. Sabay-sabay ang lahat, oras na para lumarga.

Sumakay ang tropa ng tren at dalawang jeep papuntang Galeria Hacienda, ang rave house ngayong gabi. Abandonadong warehouse, dating bahay-katayan, at kamakailan lang, siya ring night club kung saan ginanap ng ilang taon ang Révolte. Sa kasalukuyang kinalalgyan, isang nonprofit art foundation at gallery na ipinapatakbo ni Lui, siyang dating nagmamay-ari rin ng club. Di hamak na sarkastiko ang pagpili sa lugar na ito na walang bahid ng pagka-underground. Tila walang delikadesa, gayunman sanay na rin ako na ang malisya’t kalokohan ay hinding-hindi naitatago.

Takipsilim na sa pagdating namin sa bakal na gate ng Galeria Hacienda. Agad nakita ni Raoul si Nini—siyang prodigal daughter—sa isang banda, nanggagalaiting nagpupunit ng mga papel na nakapaskil sa isang poste. Lumubog ang puso ko nang makita ang nakasulat sa flyer. Paano kaya naisip ng mga tarantadong iyon na ipaskil ang mga bagay na ‘to ganito kalapit sa pinaka-tahanan ng Révolte? Sa bagay, pinaka-effective ang red-tagging kapag ipinaaalam sa mismong target.

MADAME X: O, ‘di ba? Ikaw na talaga ang poster child!

NINI: Nagawa mo pang mag-joke.

Pumipiyok ang boses n’ya. Tulungan silang lahat tanggalin ang mga natira pang poster. Sa gitna ng bawat isa, may mugshot ni Nini. Sa gilid nito, idineklara siya pati ang kanyang pinamumunuang school organization bilang mga terorista. 

Nagmamadaling lumapit si Raoul.

RAOUL: Kamusta naman yung SOGIE march?

NINI: Walang-wala. Duwag sumali yung iba. Ano ba naman magagawa ko—kung ‘di ka ba naman matakot sa pulis tuwing may rally?

RAOUL: I’m sorry to hear that.

NINI: Ugh, pwede ba? Ni isa nga sa inyo dumalo so, like, whatever.

RAOUL: Well, I guess we just don’t have the balls, Nini.

Napatawa naman niya doon si Nini.

RAOUL: Mahirap na baka sakaling magkahulihan pa. Delikado na nga rin mag-host ng ganitong event. Eh ikaw, may nagawa ba ‘yang pakikibaka niyo?

NINI. Ouch. Sorry ha.

RAOUL: Oh no, no, ‘di naman sa ganun. Nadala lang, sorry. Basta ligtas ka. Alam mo naman… ‘di pa rin tayo nakakabawi sa nangyari noong nakaraan. Hay, ‘di bale, good news naman: pinost ko na yung GCash link kanina. Sa mga naunang donation pa lang, nakaipon na tayo ng pang-bail sa mga kakilala nating taga-Bakwit Collective.

NINI: Edi mabuti. Congrats. Saka tama ka nga naman. Matigas din ulo ko minsan. Maraming ibang paraan para mapakinggan nila tayo.

Gabi na. Pagpasok namin, nakaabang si Lui sa labas ng building, maaring upang salubungin ang mga dumarating. Ngunit habang pinapasok niya ang iba, hinila niya ako sa tabi. Doon mismo, idinaos na namin ang napagkasunduang deal. Pinasalamatan niya ako. 

Nagkita kaming muli pagkatapos ng auction habang nagpapaalam na si Lui sa lahat.

MADAME X: O, you’re not staying for the party?

LUI: Hindi na. Naubusan na ako ng sipag makipaghalubilo pa. Enjoy your moment, this will be another one for the books.

RAOUL: Aw, thanks for everything. The best ka.

LUI: Raoul, you guys—alagaan niyo isa’t isa, ha? Mag-iingat kayo.

Awkward ang yakapan ng tatlo.

Makalahati sa unang DJ set, magsisimula na. Nakapalibot na sa madilim na parking lot ang mga kahina-hinalang indibidwal. Unang bumati sa akin si Nini.

NINI: Mano po, Captain.

“Order up!” pabiro kong salita.

NINI: Walang wastong pangungunsumo sa pamamagitan ng heterocapitalism.

Napairap ako. Sa labis niyang kaladlaran—mga kwintas na nakabuhol sa kanyang buhok at mga gintong balahibo sa kanyang blusa—kusang ‘di ko maiwasang maengganyo makipagharot.

Nakangisi siya nang ilagay ko sa kanyang nakulawang dila ang kulay rosas na pill, sabay sabi ng, “Isubo mo nga ‘yang wastong pangunsumo mo, Neens.”

MADAME X: O siya, the results are in. Mukhang ikaw na ang star ng pasko. Waging-wagi sa auction. Top sale! Mababayaran na ang renta niya! O, ano naman masasabi mo do’n?

NINI: Fight, fight, fight the power!

JACKIE: Power tulad ng mabuhok na ilik-ilik powers mo?

NINI: Kepyas mo power.

MADAME X: Sige nga, miss DevCom, paki-break down naman po yung plataporma mo.NINI: Yes, miss campaign manager? Break what down? My platform? Oh my. But these are my favorites.

Sumipa pataas si Nini, inangat ang kanyang mahabang skirt upang ipakita ang kanyang laspag na sapatos. Pinasayaw pa ang daliri sa paa na may Cutex.

MADAME X: Bakyang ‘to!

RAOUL: Sige na, wala ka na bang baon? Gusto namin marinig yung commencement speech mo. Kunwari tatakbo ka, bigyan mo naman kami ng pa-social reform.

NINI: Tatakbo? What office?

KRIS: Office of AIDS and Welfare.

NINI: Pero how? ‘Di rich ang parents ko.

JOEL: Anat, sermon another.

Inilapit ni Jackie ang cellphone niya sa bunganga ni Nini.

JACKIE: So, Miss Trans-gressive, sinasabi mong ‘fight the power?’ Eh, tayo nga ang power!

NINI: Of course not, Jackie So Ho! Siguro kayo dahil power couple kayo. Kami ba? Ano kami? Power plant?

KRIS: Power Rangers.

NINI: Ay, why not? Tulad ng lider nilang hologram, sunod-sunuran lang tayo sa isang malaking ilusyon. Tuta-tutaan! Let’s volt in!

MADAME X: Sabi nga nila, a foolish faith in authority is the worst enemy of truth.

NINI: Let me guess—Dostoevsky!

MADAME X: No, Einstein. Ruffa Mae.

JOEL: O, so na kanino ang power? Kuwan, si Mama X at Raoul gyud.

NINI: Nako, sayang ka. Kahit sila—mga second rate sa sarili nilang event. Kahit ikaw—sumasayaw kami dahil gusto namin, hidi dahil sumusunod kami sa’yo. ‘Kala mo ba magaling ka? Pati, sino nagbigay sa’yo ng power na ‘yon? Opulence, that’s who. The people who own everything. Also known as: me.

JOEL: Por Diyos giatay.

MADAME X: Wow. She can buy you, your friends, and this club!

RAOUL: True naman, malaki ang utang na loob natin sa mga makapangyarihang tumulong sa ating makarating dito ngayon.

MADAME X: Paano nga ba tayo magre-reclaim ng land kung walang landowners?

NINI: Because even our solidarity belongs to the system. Systema salon!

MADAME X: Sabi nga ni Jefferson Hack.

RAOUL: Hindi naman ‘yan totoo. Pareho lang naman buhay natin pati sa labas ng club. Pinagsama-sama lang tayo dito.

NINI: Kaya siguro talagang trip ko sa Révolte. Sakay na!

RAOUL: Dahil lahat kayo sobra-sobra sa pagka-baklang weird?

NINI: Walang katulad, babes. Walang tatalo. Purong imahinasyon.

MADAME X: Sus, purong mga fashion victim at adik.

KRIS: Nandito lang para magpa-alipin sa mga nakalalamang.

NINI: OA? Pipirma lang po ako sa attendance sheet.

JOEL: Hindi bayaran ang attendance ko, ‘no?

JACKIE: Beh, literal ikaw ang DJ.

MADAME X: Eh, sa tingin ko nga ang attendance natin ang bumebenta talaga.

NINI: Performance level kasi sa awra. Hello, Boss Lui, is this property on the market?

JOEL: Alam niyo, sa kabila ng pandarambong nila, hindi parin nila pagmamay-ari ang music.

NINI: Korek! For once. Top comment.

KRIS: Moving on, sino naman ang nasa bottom, aber?

NINI: Maliban sa pwet mong Skelan?

JOEL: Hmm, alam ko na! Kanang boang na nakatayo lang at ‘di sumasayaw.

NINI: Makasarili—hindi makatao.

JACKIE: Huwag kalimutan yung chakang dayuhan na tinangka akong i-harass habang jumi-G sa banyo.

KRIS: E paano naman yung bwisit na lalaking isa? Si date rape ba.

RAOUL: O ‘wag na natin pag-usapan pa ‘yan.

KRIS: Tama. Dahil siyempre, ‘di lang naman siya gaano swinerte nang ma-call out; pati ‘di lang din naman siya ang predator na pinapasok natin.

JACKIE: So AFAMs, abusers… basta hetero?

JOEL: Hetero men. Ibang babae hinahayaan na. At least sumasayaw.

JACKIE: Sino pa ba? Clout chasers!

KRIS: Sosyal climbers.

NINI: Compradors.

JOEL: “Influencers”

JACKIE: Mm-hmm, at kamusta naman yung Chicks with Dicks Mag interbyu mo, ate Jomelyn?

NINI: Sis, yung mga curious na straight boys ba nagbabalak pagkakitaan uli ‘yang byuti mong in-demand?

MADAME X: Ay, bakit ba yung mga may gustong siraan tayo ay ‘yon pang mga ‘di naman nagpupunta sa party natin?

JOEL: Totoo. Kanang isa nga tinanong ako kung genre ba ang trans.

NINI: I-Burn Book mo na ‘yan, ‘day.

KRIS: Baka naman he meant trance!

RAOUL: Hey, at least mukha naman siyang interesado talaga. Paano pa ba tayo makikilala nang maigi kung masyado kayong pa-hard to get?

KRIS: Masyado namang effort makipagkaibigan. Ano pa bang dapat nilang malaman?

JACKIE: Hmm. Unang-una, lahat ba talaga tayo dito bading? Pwes, sinong tinitira at sinong tumitira?

NINI: Umm. Ikaw ba, ano tinira mo tonight? Forget who’s sleeping with whom. Tell me who’s using whomst?

MADAME X: Aba, ‘di ba lahat ng nandito ngayon?

NINI: Kung ‘di pagmimina ng petrolyo, nagmimina naman ng queer talent.

MADAME X: Intense! Kala mo naman ‘di nagsimulang mga botomesa, ha.

JOEL: We just learned from the best, gani.

RAOUL: Ta’s magtataka kayo ba’t tayo natatawag na suplada.

JACKIE: Teka, teka, masaya nga ‘to ha. Isa pa… eh, paano naman yung mga tontang nagpupumilit na makipag-meaningful conversation?

NINI: More more performative queers. Gender fluidity as a trend. Nagpapaka-nonbinary para magpa-cool.

MADAME X: Mga utaw na na-ghost ko pero pabalik-balik pa rin.

RAOUL: People who whip out their cell phones on the dance floor. The nerve.

Tumingala ako sa screen ko para makitawa.

JOEL: “Music lovers” na walang awat sa request.

NINI: Keyboard activists.

KRIS: White worshippers.

JOEL: Social media “celebrities.”

MADAME X: Celebrities, periodt.

KRIS: Shoutout sa mga ka-DDS!

NINA: Taas kamay kung binoto niyo yung putragis na fenty pagong na ‘yan.

JACKIE: Imposible namang may mga taga-suporta yung gunggong na ‘yon dito.

MADAME X: Hala siya, kala mo talaga walang cronies ditey?

NINI: Survey says… Affiliation is thicker than brain cells.

JACKIE: O, eh, paano naman yung mga nandito para lang mag-booking?

JOEL: You mean objectify.

MADAME X: Mas malala ba ‘yon kaysa ma-tokenize?

RAOUL: ‘Di ba mga tuyo’t tigang din kayo bente-kwatro oras?

NINI: Uhaw sa libog, ngunit duwag kung harapin ang ikahihinatnan.

JOEL: Sweet baby Jesus. Sino pa ba?

KRIS: People who don’t know how to handle their drugs.

JACKIE: Ah, yung mga sobra umamat?

RAOUL: Sumosobra? Who is she?

KRIS: Hindi, ay, yung mga nagdadamot ng stash ‘ka ko.

JOEL: Eh, paano pa yung mga freeloaders? User-friendly?

MADAME X: Mga ‘di nagbabayad ng utang.

RAOUL: Teka, parang lahat ng ‘yan si Cadet lang, ah. ‘Di ba ‘no, Captain?

Bawat bukambibig, pinagtatawanan din nila; nakakalito na intindihin kung alin ang seseryosohin.

MADAME X: Asan nga ba siya?

KRIS: Huli kong nakita, may kasama na namang pahada.

Nahirapan na akong makisabay kung sa anuman yung punto nila, kung meron man. Usapang amats na ginawang palapagkakaibigan. Sa madaling salita, kanya-kanyang power trip.

NINI: Thanks for coming to my TED talk. So what did we learn today?

RAOUL: Basically, dapat ‘wag na tayong mag-imbita ng kahit sino sa mga party natin, tama ba?

JACKIE: Atin-atin nalang forever.

NINI: A bunch of fucking prejudiced hypocrites! Echos.

MADAME X: Aba, contradiction is the most consistent human coping mechanism.

NINI: Ganern. Itaga mo sa bato.

MADAME X: Bato-bato sa langit Pero paano kaya ‘tong ginugusto niyong intindihin kayo ng iba kung kayo mismo ayaw umunawa?

KRIS: ‘To naman, ginagawa din namin ‘yon. Nagpapasalamat nga ako na ma-exploit, eh.

JOEL: Jima.

JACKIE: Mga bading talagawala nang mabitawan kung ‘di kabalastugan.

NINI: Sige na, aminin na natin na kahit sino, kahit kailan, lahat tayo ay para sa isa’t isa. In the end, ‘di na natin problema pa kung yung iba diyan, kailangan gumastos para lang sumaya.

RAOUL: Nagsalita ang walang dalang wallet at ‘di nagbabayad ng sariling alak.

NINI: Shots, shots, shots fired. Palibhasa proletariat! Alam niyo naman walang Révolte kung wala kami.

Niyapos ni Raoul ang baiwang ni Nini.

RAOUL: Duh, biro lang.

NINI: To be honest, sino ba sa atin pupunta dito kung may cover charge? Kung may gatekeeper man, ‘yan na ‘yon. Open to all pero presyong extortion!

RAOUL: Eh, ‘yun din lang naman ang tuluyang solusyon, dahil kayo na ang pinupunta ng iba. Para makasayaw kayong lahat.

NINI: And that’s why I am free! To be me. Free of mind. Free of charge.

JOEL: Nini-yuh! Drink your water, bitch.

NINI: Aw, mahal ko talaga kayong mga bakla. Always there. Taking care. Always have my back. Even when they stab you in the back!

Napahampas si Joel sa balikat ni Nini sabay tawa nang parang mama.

Bumuka ang mga pinto ng gallery at may lumabas na ‘di kilala, nakasuot pa ng madilim na antipara. Tinawag siya ni Madame X, at ang chismisan naging bulungan.

MADAME X: You wanted opulence, ‘di ba? Well, here he comes—this guy definitely owns everything.

JACKIE: Tropa o jowa?

Mahinhing lumapit ang kakaibang anyo.

MADAME X: Nini, ipapakilala kita. This is Ari Bayug. Siya yung bumili ng pyesa mo.

NINI: Wow. Salamat. I’m so touched.

Grabeng mga pagyuko, nagkamayan, magaan na beso.

ARI: Ah, no, no. It’s my pleasure.

NINI: Nagustuhan mo naman yung sculpture ko—Our Lady Hermaphrodite?

ARI: I, uh, it… really caught my eye. Marami rin kasing statue sa garden ng parents ko.

Huminahon at sa iba siya tumingin habang si tinitigan ni Nini mula ulo hanggang paa.

ARI: Um, so… is it… Kasi gusto ko sanang malaman kung trans ka, uh, do you consider yourself… a straight woman?
NINI: Oh, honey.
JOEL: Samok, mhie. ‘Di niyo talaga mapakawalan ‘yang mindset ng pagiging straight, ano?

Nauutal si Ari, patuloy naman si Joel.

JOEL: Brainwashed gyud! Trans ako, as in transcendent. Nilagpasan ko na ang kasarian! Babae ako. Bakla ako. Ano pa bang dapat sabihin?

ARI: Okay, okay. Gusto ko lang naman… Kailan mo ba na-decide… ?

Kumapit si Joel sa kanyang patad na dibdib.

JOEL: Ano ‘ka mo? Hindi lang basta-basta nade-decide ‘to ha.

ARI: Hindi… uh, ibig kong sabihin, I mean… kung sa lalaki ka nagkakagusto… Pero bakit bakla ka pa rin ‘ka mo?

Mainit ang bugtong-hininga ni Joel, pinatay ang nakasinding sigarilyo, umiling, at naglakad papalayo bago pa makasagot si Ari. Nabibilaukan na yung iba kakatawa. Tumingin nalang sa’kin itong baguhan. Ganun talaga, brad. We’ve all been there.

NINI: Rampa siya o! ‘Di bale, Ari, I think it’s just time for her set. Or her time of month. Kasi naman… the truth is… it’s a prank. A hoax! Ang pagiging trans… Nandito lang naman kami para mang-budol at mang-akit ng lalaki. O, does that answer your question?

Namutla ang mukha ni Ari.

NINI: When all else fails, blame the hormones. Iba-iba naman kasi kami, ‘di ba? Sa akin naman, dahil maayos ka namang nagtanong… Eh, kahit nga ako 20 years bago ko buong naintindihan at napagtanto… na magkaugnayan na rin… 20 yearsWow. Hindi ba’t ang laking pagkakaiba na ‘yon sa amin at, you know, sa mga straight

Humingang malalim, yung itim sa mata ni Nini umakyat papalikod ng kanyang bungo habang naligaw na ang isip.

ARI: I-I’m sorry. Ibang-iba kasi… sa nakasanyan ko eh, alam niyo ‘yon? Bale… ano pinagkaiba n’on sa pagiging drag queen?

Pinagkakatuwaan naman ng lahat ang ganitong uri ng pagka-ignorante. Nagkakangisian, nagbubulong-bulungan, magkakadikit-dikit na silang lahat, inakit na ng papaakyat na kemikal. Nagkakapit-bisig, magkapatong ang mga ulo sa balikat, nahihibang. Kung nakikining nga talaga sila, sino pa bang makakapagsabi?

MADAME X: Bro, narinig mo na ba ang term na verstehen?

Umiling si Ari.

MADAME X: Halata! Because you need a whole dose of it. Rekta d’yan sa ugat mo. Tawagin nalang nating compassion, pwede? Okay? Ang drag naihuhubad at naitatanggal. Ang pagiging trans—buhay ‘yan na karanasan.

NINI: My gosh, magpa-seminar na kaya tayo?

MADAME X: ‘Yan kasi problema sa inyo, masyadong cultured, parang reject Mikimoto pearls. Nasisindak ang mga dukha. Now, can we all just get on with the program?

Mas matinding patango-tango, paputol-putol na paghinga, nababanat na mga labi nang nagkakaintinidhan. Pinanood ko silang ngumuya at paikutin ang mga labi na parang may hahagkan. Ang pag-kalakak ng mga takong na sumasanib sa pag-yanig ng bass na nagmumula sa bumukas na pinto. Unti-unti naglaho ang grupo papasok sa mausok na dilim na nakatago sa likod ng kurtina. Nagpaiwan ako para matapos manigarilyo. Tuloy lang namasid si Ari nang halos maiwan pa si Nini. Isa pang beses lumingon sa akin si Ari, tila naghahanap ng kakampi. Hininaan ang boses.

ARI: ManJust as bitchy as the real deal, huh?

Lagot, ‘ka ko. Mula ilang yapak sa harapan namin, tumalikod si Nini, biglaang tumindig. Nanlilisik na parang naubos na lahat ng bait mula sa kanyang mga lubog at bilog na mata. Hinambalusan si Ari sa mukha, napa-buntong hininga bago humakbang papaloob muli.

Yumuko si Ari upang abutin ang antipara sa lapag. Nanlilisik na rin ang kanyang mata. Napansin niya akong patagong tumatawa sabay lumapit, hawak-hawak ang pisngi.

“Napaka-gaganda nilang mga nilalang, ‘no?” pang-aasar ko. Sa mabilis na paraan, nilunok nalang ni Ari ang kanyang pangamba. Tumingala sa akin.

ARI: Um, I’m looking for the big fish.

Tumaas ang kilay ko.

ARI: Oh, you know… for swimming. On the dance floor.

Inilapit niya ang kamao sa kanyang ilong, humahaplos-haplos. Kumunot ang aking noo. Bigla siyang bumulong.

ARI: You got any blow, man?

Tinuro ko kami papasok.

Siksikan sa dance floor. Pumwesto ako sa mezzanine nang mas maigi kong madatnan ang lahat. Mula dito, isang malawak na karagatang kalamnan at katawan, bumabayo sa walang siglang pulsong electronic. Sa malagong pagpapariwara’t baliwan, ito ang lugar kung saan mapagmamasdan nang husto ang kusang bumibigay. Buong pagkawalang bahala. Sino ba naman ang magnanasa sa ganitong uri ng pagkasira?

Sa tapat ng DJ booth,pinaliligiran ng mga estranghero, nagpapaka-komportable na si Raoul, naglilihis sa sandaigdigang kanyang inilikha.

Focus. On. Your breathing.

Sssssshhhh, hit the button. Ah, ayan. Ang usok.

Hayaan mong mawala na. Palihim. Ligtas. Ang lalim. Ang dilim.

Ooh. Three. Four.

Ang tugtog. Ang ‘yong katawan.

Ang walang katapusang pag giling.

Woah, ang lapad. Ang mga ilaw. Para s’yang—parang—Dance Dance Revolution.

Oonts, two, three, four.

Okey lang ‘yang mukha mo, ’di ka tus. ‘Wag masyagong gigil!

Ooooooh, swak talaga si Captain tonight. Damn.

Kinailangan ko ‘to. Lahat naman tayo. Lahat tayo. Lusubin natin.

May mga hinahanap lang naman tayo e…

Aaaaaaah, ang pag galaw. Ang vibration. Parang osmosis.

Tangina shuas.

Saan kaya yung afters?

https://www.youtube.com/watch?v=fOY_Pat8Hfc

Oh, kulintang na!

May pa-TSVI pa.

Grabe, the things we’ve done. The things we’ve had to do to get here.

Energy and rhythm and energy and rhythm.

Tangina, tignan mo sila. Trans women. Enshrined.

Maliit na alay. Kani-kanilang ambag. Ang liit ng balik.

Wala nang ganito ganyan. All together. Painless suffering, lahat sama-sama.

Biglaang pagkasabay-sabay.

Positions. Deliberations. Independent orbits. The pull of gravity.

Nagkakabanggaan. Nagkakaiwasan.

Lahat tayo ay may dahilan.

Uh-oh, did she catch me staring? Why don’t people ever see things through?

Lahat nalang ba panay interpretation?

High-iyah-iyah!

…the infinite climax.

Smooooooth. Na-excite na ako mag-beach. Nice. Her signature Tenaglia.

Ouch. Kaninong camera ‘yon?

Woh, oh, oh! Follow-up na ba?

Okay, what the hell. Is this… trap? That beat. Shazam mo teh!

Sino yung lalaking ’yon? Nginingitian ba ako? Smile back. Not too obvious. Look away.

Just enough eye contact to make like I haven’t forgotten his name.

Nini is rolling her head off. So so so at liberty with her femininity.

Ang lakas n’ya masaydo manigarilyo.

Sino ‘yon, grinding beside her?

Free hugs. Tight hugs. Group hugs. Amoy poppers.

Asaan si Cadet? MOMOL marathon pa more.

Kiss, kiss, kiskis, ang halik ni Hudas.

Kris. Jackie. How long has it been? Ano nang narating natin?

Smoke machine, psh, psh. Strobe lights, prr, prr.

Ooh la la, Madame. The diva, divine.

Elegant gods. Exquisite demons, too. Dancing. Swaying.

Parang nasa gates of hell. Heaven na rin. Yung walang kapantay na tuwa. Na magkita kayong magkakaibigan. Kaaway. Mga hindi kakilala. And beyond.

Mmmmmm.

In space. Everything as it should be. Where we belong.

Umiwas ako sa bawat hampas at pilantik papalabas para manigarilyo. Sa paglingon ko, nakita ko pang pababa na ang tama ni Raoul. Ngayon naman, nakapalibot sa kanya ang grupo.

KRIS: Oi, Raoul. Party mo ‘to, beh. Alam mo naman ‘yon ‘di ba? Bakit ka ba naloloka diyan? ‘Wag puro meditate, girl, participate din! We’re here to get laid.

RAOUL: Haaaa? I don’t need to make friends. I have you. My family!

KRIS: Deserve mo rin ‘yon, beh.

Tumagos ang malubhang hagulgol sa nanginginig na tinig ng acid.

Nasa labas na ako nung nangyari ‘yon, nakaabang sa phone dahil mahina ang signal sa loob. Gayunpaman, narinig ko ang pagtili ni Nini. Maya-maya, nagmamadaling lumabas si Ari, kasunod ang isang lipong nangingitngit.

Papalala ang mga sigaw na nagmumula sa umpukang nagtitipon sa harap ng pinto, halu-halong galit at gulong nagsasapawan:

Tangina mo! OMG. She’s bleeding. Sino ba siya?
Don’t let him get away. Lakas ng amats niya.
Sprak ba ‘yon? Basag trip! Huwag nga.
Anyare? She was just dancing. Fuck!
Kalma lang. Gago siya! Where did he go?
Bugbugan na, ano? Pakalat-kalat kasi.
Why are they protecting him? Asshole!
Nini, don’t. What’s happening? Kakarmahin din ‘yan.
Totally unprovoked. Nasaan ang hustisya?
Transphobic! Pasista! Men are trash.
You’ve been calling him a Dutertard all night.
Bakit ba ‘yan inimbita?
They’ll never catch him.
Bakla!

Sa wakas, tumayo na si Nini at nangangatog na humiyaw.

NINI: Anak ng puta, macho ka na n’yan?

MADAME X: Nini, tumigil ka na. Kailangan mong dalhin sa ospital.

Kumubkob lahat kay Nini. May dalawang baklang paminta na nagsabing nakatakas na si Ari.

Sa ibabaw ng namamagang kaliwang pisngi ni Nini ay mistulang warak na mangosteen, namumula’t nangangamatis. Basag ang kanyang ilong.

Malaking problema ‘to. Patay. Sira ang lahat. Magsisig-alisan na silang lahat at hindi matutuloy ang bantang panukala. Agad-agad akong nag-text. Maya-maya’y papalapit na sa amin si Lui. Huli na ang lahat, pero sakto ang kanyang pagdating.

LUI: Ano ‘to?

Dumaplis siya ng sulyap sa akin; takot ang dala ng kanyang mata—tsaka siguro, pagsisisi.

RAOUL: Si, si A-Ari. He – he attacked her!We were just – nagsasayaw lang kami sa loob…

LUI: Si Ari? Ba’t naman niya gagawin ‘yon? ‘Di ba nakilala mo naman ang magulang niya… mabuti silang tao.

RAOUL: Takte, anong—? She’s fucking bleeding!

Humudyat na ang cellphone ko. Sang-ayong reply. Ito na ‘yon. Bigla akong nanlamig. Dinumog lalo ang mga pangyayari.Sama-samang praning.

LUI: Raoul, tara na. Kailangan mo sumama sa akin.

RAOUL: Ano? Bakit?

LUI: Wala ka na dapat dito.

RAOUL: Mom, ano ba pinagsasabi mo?

Nakatitig sa akin si Lui. Tumango nalang ako, nanlaki ang kanyang mga mata at biglaang dinakma ang braso ni Raoul at hinila papaalis, lingid sa gitna ng kaguluhan.

Sinunod ko ang aming deal, hinayaang makalaya ang mag-ina. Pinagpasya kong tulungan si Cadet at Nini makasakay ng taksi papuntang ospital. Sinubukan ko pang kumbinsihin si Madame X na sumama sa kanila, ngunit nanatili siya doon—sa piling ng kanyang pamilya.

Dumating na ang mga kasamahan ko. Hindi tumagal sa isang oras ang raid namin. Mas nagtagumpay pa kaysa operasyon namin sa Makati Avenue noong nakaraang buwan. Ako na mismo nagposas kay Madame X, nang parangalan siya ng munting kabutihang-loob.

Sumanib ako sa Vigilante Sting Syndicate noong nakaraang taon, batay sa isang Facebook ad. Pangalawang operasyon ko na ang pagbagsak ng Révolte.

JUAN: Tagumpay, pare. Kamusta naman ang makisama sa mga bading magdamag? Matinding chupaan siguro kayo, ‘no? Sana all.

Mukhang natuwa pa siya sa sariling kamanyakan. Binatukan ko. Napadura siya.

JUAN: O, alam mo ba? May nahanap pa kaming isa. Nagtatago sa may tulay. Nagwawala pa nung pinagtulungan na namin, kaya tuluyan ko nang ginulpi bago siya bumagsak. Mabuti nang maging warning yung kupal na ‘yon sa umaga. Sayang nga lang, ba’t kasi di ka pumayag na magdala kami ng baril?

Natawa siya na para bang may pinagmamalaki.

JUAN: Parang gago, nakapulot pa kami ng bomba sa kanya. Pagpyepyestahan namin nila bords mamaya. Sama ka? Sige na, tikim lang. Reward mo na rin ‘yon.

Umiling ako nang husto.

JUAN: Walang dapat kaawaan sa kanila. Mga salot. Akala ba nila angat sila sa batas?

“Heh, wala silang ganong pera,” sagot ko.

Wala lang silang pighati’t kahihiyaan. Mga walang dangal na tinatangkang kalabanin ang gobyerno, kontrabidang umaastang mga bayani, nagliliwaliw sa mga salbaheng pangarap. Naniniwala sa sariling katatagan, ngunit ipinagtatanggol ang mga katiwalian, kasinungalinga’t korapsyon. Isinusumpa ang pangkasalukuyang rehimen at inuusig naman ang mga nananatiling tapat dito. Lulon sa pananaginip hanggang sa hindi na magising. Walang pakialam kung hindi ang sarili.

Tinutupad ko lang ang aking tungkulin bilang mamamayan. Karapat-dapat silang managot.

Huwag mong pagkakatiwalaan ang kahit sinumang makilala sa mga club. Hindi taimtim ang kanilang pakikipagkapwa. Ang karimlan, nagkukubli lang ng lagim. Walang mahahanap na ligtas kung naghahangad ka sa dilim.


Bahagi ang kwentong ito sa seryeng Global GROOVE: Electronic Music Journalism, isang kolaborasyong kaakibat ang Goethe-Institut. Basahin ang ibang mga artikulo dito.

In diesem Text

Weiterlesen

Features

[REWIND2024]: So feiert die Post-Corona-Generation

Die Jungen feiern anders, sagen die Alten – aber stimmt das wirklich? Wir haben uns dort umgehört, wo man es lebt: in der Post-Corona-Generation.

[REWIND2024]: Ist das Ritual der Clubnacht noch zeitgemäß?

Hohe Preise, leere Taschen, mediokre Musik, politische Zerwürfnisse – wo steht die Clubkultur am Ende eines ernüchternden Jahres? Die GROOVE-Redaktion lässt das Jahr 2024 Revue passieren.

[REWIND 2024]: Gibt es keine Solidarität in der Clubkultur?

Aslice ist tot. Clubs sperren zu. Und die Techno-Szene postet Herz-Emojis. Dabei bräuchte Clubkultur mehr als solidarische Selbstdarstellung.